Loading...

My Stock Trading Journey

Marami sa atin nagsimula sa stock trading at clueless kung paano magpoproceed?

Dati, problema natin saan maghahanap ng resources. Ngayon, problema naman ay sobrang dami ng resources at kailangan i-filter ang mga impormasyong nakukuha para hindi magkanda labo labo ang direskyon ng pag-aaral. Tulad ninyo, hindi naaiba ang storya ng buhay trading ko.

Nagsimula ako mapasok sa trading ng taong eto – 2018. Medyo kakaiba yung storya ko, dahil ang trigger kung bakit ako napunta sa trading ay Cryptocurrency. Nagsimula ako formally sa stock trading ngayong March 2018. At tulad ninyo, litong lito ako nung simula kung paano ba pagtatagpi tagpiin lahat ng impormasyon na nakukuha ko mula sa lahat ng kaibigan ko.

Ang mga susunod na bullet points ay mga impormasyon tungkol sa iba’t ibang paksa na makakatulong sa iyo sa stock trading journey mo. Sa bawat impormasyon na makikita mo, pwede alam mo na o hindi pa. Kaya dinesenyo ko itong blog na ito na magbibigay sa iyo ng mas malayang pagpili sa kung anong impormasyon mo gusto mag pokus.

Ilang paalala bago ka tumuloy:

  1. Siguraduhin na naintindihan mo ang pinapasok mo. Ang stock market, tulad ng kahit anong oportunidad, ay may kaakibat na risk. Ang “RISK” ay neutral. Ibig sabihin, ito ay kaganapan lamang. Ang kada risk o kaganapan, sa kabilang banda, ay merong positibo o negatibong epekto. Sa trading, syempre eto yung manalo ka, o matalo ka sa kada trade na gagawin mo.
  2. Experience is the best teacher. Hindi mo maiintindihan hanggang hindi mo maranasan. Pwede ka mag virtual trade (gamit ang Investagrams) or may actual trade. Pero kailangan mo aralin ang basics bago ka sumabak sa kahit alin sa dalawang ito. Nasa iyo ang control kung ano ang willing ka ipatalo para matuto. At tulad ng kahit anong skwelahan, sisingilin ka ng merkado ng “tuition fee” dahil walang trade ang 100% siguradong panalo. Kung gaano kalaki ang ipang-tu-tuition fee mo, depende na sa lebel ng preparasyon at dedikasyon mo.
  3. Importante ang maintindihan mo ang sarili mo. Ang stock market ay binubuo ng kapwa mo traders. Ibig sabihin, ang galaw ng bawat stock ay nakasalalay sa kada trader at broker na involved sa merkado. Ika nga sa “The Art of War” ni Sun Tzu: “[01.10] A general who listens to my principles, and applies them, will surely be victorious; keep him. A general who does not listen to my principles, and does not apply them, will surely be defeated; remove him.” Ibig sabihin, bibiyayaan ka lang ng merkado kung maintindihan mo kung pano pagplanuhan ang mga galaw ng kasamahan mo sa merkado at siguradong sisingilin ka kung magkamali ka ng galawan.

Marami pang ibang bagay na marahil ay alam mo na, pero sana ay makatulong itong blog na ito para mas mapabuti ang pag-tetrade mo katulad ng tinatahak kong pag-aaral ngayon. Patuloy kong i-uupdate itong blog na to kapag may bagong material akong makita na makakatulong sa lahat para isang page lang ang kailangan mong tandaan.

Happy Learning!

 

Stock Market Basics

 

Trading Psychology

 

Trading Basics

 

Trading Strategies

 

Risk Management

Perspectives

 

Practical Applications

 

Case Studies

Blogs

 

Tools